Frequently Asked Questions (FAQ)
2. Anu-ano ang iyong sistema o programa sa seguridad at paano ito makaka-apekto sa akin?
Minsan-minsan, nakakatanggap kami ng mga reklamo galing sa iilang panig ukol sa pagmamanman o pagmo-monitor ng kanilang mga website o server (gamit sa serbisyo namin) na wala sa kaalaman o pahitulot nila. Idinidiin namin na hindi tama ang pagmamanman ng website na hindi sa iyo. Dahil dito, pinapatupad namin ang iilang mga sistema sa seguridad na siyang magbibigay-babala at hahadlang sa aming mga users o kliente upang di maisagawa ang ganitong mga "unethical" o maling gawain.
Ayon sa clause 1 ng aming Kasunduan sa Serbisyo, hindi angkop na gamitin ang serbisyo namin para manmanan ang isang website o server na walang pahintulot sa nagmamay-ari nito. Ang ibig sabihin ng "owner" o may-ari ng website/server ay katauhang o entity kung saan nakatakda ang IP address o kung kanino naka-rehistro ang domain name o kung sino ang "administrator". Sa panahong hindi ikaw ang nagmamay-ari ngunit mayroon kang kasulatang nagbibigay pahintulot sa iyo galing sa nagmamay-ari, kailangan mong itago at ingatan ang mga dokyumentong ito at mangyaring ipakita ito sa amin sakaling makatanggap kami ng mga reklamo galing sa nagmamay-ari ng server/website.
Maaaring ikaw ang titingalaing may-ari kung:
- You run the physical server (you are the administrator) or
- You own the domain name or
- Ikaw lang mag-isa ang gumagamit sa tinutukoy na IP address
Hindi kailangang magbigay-alam ka sa hosting provider o administrator, ngunit inirekomenda namin na gawin mo ito. Ito ay dahil sa maaaring mayroon silang "Intrusion Dectection Systems" (IDS) na nilagay na maaaring maling maituring ang aming "monitoring activity" bilang "intrusion" [o pagpasok na walang pahintulot] sa sistema nila. Base sa karanasan namin, naranasan naming makatagpo ng mga mga "IDSes" at napagkamalan ang aming regyular na ping activity bilang "port scanning"/.
Kung napag-alaman naming gumagawa ka ng pagmamanman ng walang pahintulot sa may-ari:
- Isu-suspende namin ang iyong account
- Ibubunyag namin ang iyong kompletong personal na impormasyon sa lehitimong nagmamay-ari
- Ibubunyag namin ang iyong kompletong personal na impormasyon sa iyong ISP para ma-imbestiga
- Ang lehitimong nagmamay-ari ay maaaring gumawa ng legal na aksyon laban sa iyo